LOOK: 100 Android Tablets ipinamahagi sa Barangay 857 Zone 94 sa Maynila

Namahagi ng 100 Android Tablets ang Sangguniang Kabataan ng Barangay 857 Zone 94 sa Distrito VI para sa mga mag-aaral sa barangay.

Ang mga tablet ay magagamit ng mga estudyante para sa kanilang pag-aaral lalo na ngayong “online” ang klase.

Sa pamumuno ni SK Chairman John Daniel Layno at ng buong SK Council ng Barangay 857 ay ipinamahagi ang 100 na Android Tablets at iba pang school supplies.

Kabilang sa ipinamigay ang mga sumusunod:

-100 laptop tables
-100 tablet stands
-200 headsets
-400 face shield
-400 face masks
-100 piggy banks
-JKG

 

 

Read more...