Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 21,543 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Linggo (October 18).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,576 o katumbas ng pitong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
19,363 o 90 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 604 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 19,724 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES