Ayon kay Velasco, ipapasa nila sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara sa November 16 ang House Bill No. 6174.
Sa ilalim anya ng mga susog sa nasabing batas ay masisiguro na maiibsan pahirap sa financial transactions lalo na ng mga Overseas Filipino Workers at mga nasa business sector.
Sabi ni Velasco, “Cognizant of the importance to put in place more stringent provisions in AMLA, the House will see to it that the measure which aims to curb the cost of doing financial transactions of our overseas Filipino workers and the business sector, will be approved expeditiously once plenary sessions resume next month.”
Iginiit naman ni House Majority Leader Martin Romualdez, magdodoble-kayod sila sa Kamara para maiapasa ang nasabing panukala at iba pang mga batas na kinakailangan ng bansa.
“As part of our tradition, we are going to hit the ground running topass vital pieces of legislation,” saad ni Romualdez.
Giit ng mga ito, malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalong madaling panahon ang panukala upang maging ganap na batas.
Sa ngayon nakabinbin pa rin sa komite ang nasabing panukala.
Noong Biyernes, sinertipikang urgent ng pangulo ang panukala pero bigo na itong maihabol maipasa ng mga kongresita bago ang kanilang undas break.