Cabangan, Zambales niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Zambales.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 15 kilometers northwest ng bayan ng Cabangan, alas-6:19 umaga ng Lunes (October 19).

May lalim na 50 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...