Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng mahigit 55,000 pa

Umabot na sa mahigit 7.5 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 55,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 7,547,762 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 6.6 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 774,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 500 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 114,629 na.

 

 

 

Read more...