Pahayag ito ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kasunod ng usapin ng hindi pagbabayad ng PhilHealth sa Philipine Red Cross (PRC) sa pagproseso nito sa PCR testing ng mga umuuwing Pinoy.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, inatasan na ng IATF-NTF ang mga government laboratory na iproseso ang PCR specimen ng mga OFWs.
Kasabay nito, nanawagan ang OWWA sa mga returning overseas Filipino workers na magpa-rehistro sa quarantinecertificate.com ng Bureau of Quarantine.
Ito kasi ang pansamantalang gagamitin para sa pagre-release ng resulta ng PCR test.
Humingi ng pang-unawa ang OWWA sa mga umuuwing Pinoy.
Tiniyak din nitong patuloy na babantayan at ibibigay ang pangangailangan ng mga Pinoy habang nasa kanilang hotel quarantine facilities at naghihintay ng resulta.