Dagdag bawas sa presyo ng produktong petrolyo ipatutupad ng mga kumpanya ng langis

May ipatutupad muling price adjustment ang mga kumpanya ng langis.

Tinatayang nasa 20 hanggang 30 centavos ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng diesel at 15 hanggang 25 centavos ang dagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Inaasahan namang may bawas na 30 hanggang 40 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Ngayong araw iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang eksaktong halaga ng ipatutupad na price adjustment.

Bukas naman, araw ng Martes ito magiging epektibo.

 

Read more...