COVID-19 recoveries sa hanay ng PNP, lagpas 6,100 na

Aabot sa 52 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Linggo ng gabi (October 18), 6,727 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 598 ang aktibo pang kaso.

135 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 6,108 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 21 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...