Sec. Duque, tiniyak na ligtas dalhin ang mga bata sa health centers

Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na ligtas ang mga bata na dalhin sa mga health center.

Ito ay para pabakunahan kontra tigdas, polio at rubella.

Ayon kay Duque, walang dapat na ikabahala o ikatakot ang mga magulang na tamaan ng COVID-19 ang mga bata kung dadalhin sa mga health center.

May sapat kasi aniyang health protocols na inalatag ang DOH para masiguro ligtas sa COVID-19 ang mga bata.

Matatandaang ilang mga magulang ang natatakot na pabakunahan ang mga bata sa mga health center sa takot na mahawaan ng COVID-19.

Read more...