Guiuan, Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Yumanig ang magnitude 4.8 na lindol sa Eastern Samar, Linggo ng hapon.

Sinabi ng Phivolcs na ang episentro ng lindol ay nasa layong 70 kilometers Northeast ng Guiuan dakong 1:46 ng hapon.

Tectonic ang origin nito at 15 kilometers ang lalim.

Gayunman, walang naidulot na pinsala ang lindol sa Guiuan at mga karatig-bayan.

Tiniyak din ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...