Dagdag na 48,954 OFWs, negatibo sa COVID-19

Nasa 48,954 overseas Filipino workers (OFWs) ang lumabas na negatibo sa COVID-19, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Naitala ang nasabing bilang batay sa ginawang RT-PCR test ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs hanggang October 18.

Kabilang sa datos ang mga returning overseas Filipinos, OFW at non-OFW.

Para makita ang karagdagang listahan, maaaring bisitahin ang link na ito:
https://bit.ly/3kccna0

Samantala, inilabas din ng PCG ang listahan nh negative RT-PCR test results kabilang ang 8,579 non-PCG lab IDs o barcodes na na-transmit ng Philippine Red Cross (PRC).

Maaaring ma-access ang listahan sa link na ito: https://bit.ly/3jzkaOX

Ang swab tests sa nabanggit na bilang ng indibidwal ay isinagawa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at private health institutions.

Maglalabas ang BOQ ng quarantine certificates sa ROFs at iba pang indibidwal na nasuri ng iba pang lisensyadong COVID-19 testing laboratories.

Inabisuhan ang mga ito na mag-register at mag-log in sa BOQ system — quarantinecertificate.com.

Narito naman ang updated list ng licensed COVID-19 testing laboratories sa bansa:
https://hfsrb.doh.gov.ph

Read more...