Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 39,959,335 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 8,342,665 cases.
Sumunod na rito ang India na may 7,494,551 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 5,224,362 naman ang kaso sa Brazil habang 1,384,235 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Spain – 982,723
– Argentina – 979,119
– Colombia – 952,371
– France – 867,197
– Peru – 865,549
– Mexico – 847,108
– United Kingdom – 705,428
– South Africa – 702,131
– Iran – 526,490
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,114,633 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 29,890,050 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.