Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Sabado ng gabi (October 17), 6,675 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 679 ang aktibo pang kaso.
26 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 5,976 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Walang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 20 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES