Magnitude 3.8 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Davao Occidental, Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa layong 335 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 11:23 ng umaga.

151 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa nasabing bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...