Sen. Go, hinikayat ang DA na bigyang prayoridad ang agricultural training at agri-preneurship

Hinikayat ni Senador Christopher “Bong” Go ang Department of Agriculture (DA) na bigyang prayoridad ang pagpapaigting sa agricultural training at agri-preneurship sa bansa.

Ito ay para mapalakas ang ekonomiya ng bansa na nalugmok dahil sa pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Go, dapat mabigyan ng livelihood assistance ang mga magsasaka.

“Lalo na sa panahon ngayon na apektado ng krisis ang ating ekonomiya, ‘back to basics’ po tayo. Nakita natin ngayon kung gaano kahalaga ang agrikultura sa ating bansa at sa ating kabuhayan,” pahayag ni Go.

“Mabilis pong maibabalik ang sigla ng ating ekonomiya kung palalakasin natin ang sektor ng agrikultura sa ating mga probinsya,” pahayag ng Senador.

Aabot na sa 530,00 na rice farmers ang nabigyan ng pinansyal na ayuda ng DA.

Patuloy din aniyang nagpapautang ang DA ng zero-interest loans sa mga magsasaka.

“In addition, appropriations and standby fund of 24 billion pesos was allocated to assist our agricultural sector,” pahayag ni Go.

Read more...