‘Bayanihan’ ng mga alkalde ngayong may pandemic ng COVID-19 binigyang pagkilala ni Sen. Bong Go

Kinilala at pinapurihan ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga alkalde sa bansa sa “bayanihan” efforts at patuloy na suporta sa pamahalaang nasyunal habang isinusulong ng bansa ang whole-of-nation approach para labanan ang COVID-19 pandemic.

Ginawa ni Go ang mensahe sa pagdalo niya sa turnover ceremony ng fire trucks at equipment na binili ng Bureau of Fire Protection sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City, araw ng huwebes, October 15.

Imbitado sa aktibidad ang local government officials habang iprenepresinta ng BFP ang mga bagong biling mga equipment, kabilang na ang 84 units na 1,000 gallons capacity fire trucks, five units na aerial ladder, at three units ng rescue trucks na ipamamahagi sa ibat-ibang to local government units sa buong bansa.

“All over the country po ito ipapamahagi. Natutuwa po ako dahil ang gusto naman po natin ay mabigyan ng sapat na kagamitan laban sa sunog ang mga iba’t ibang lugar — hopefully sa lahat ng sulok po ng bansa ay handa po tayo,” Sabi ni Go.

Sa kanyang mensahe ay personal na nagpasalamat ang senador sa local chief executives —partikular sa City mayors sa National Capital Region, na personal na dumalo sa aktibidad, at maging sa mga dumalo sa pamamagitan ng Zoom—sa kanilang patuloy na pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pagsisikap ng administrasyon para palakasin ang pamumuhay ng mga Filipino sa gitna nang nagpapatuloy na health crisis.

“Salamat po sa lahat ng tulong ninyo sa gobyerno. Hindi po magiging successful itong laban natin sa COVID-19 kung hindi sa tulong ng mga mayors natin,” saad ni Go, na partikular na binanggit ang pangalan ni Mayor Marcy Teodoro ng Marikina na naroon sa event.

“All mayors po na nasa Zoom, salamat po sa inyo. Maraming salamat po sa inyong suporta kay Pangulong Duterte po,” wika ni Go.

Binanggit din ni Go ang iba pang local officials at district representatives na naroon tulad nina Congressman Onyx Crisologo ng 1st District ng Quezon City, Congresswoman Angel Amante-Matba ng 2nd District ng Agusan del Norte, at Mayor Judy Amante ng Cabadbaran City, Agusan del Norte, at pinasalamatan niya ang mga ito sa kanilang suporta sa national government sa bayanihan efforts para malampasan ang pandemic.

“Dahil mahirap ang panahon ngayon, we have to adjust to the new normal pero konting tiis lang po. Alam kong hirap po kayo. Kami ni Pangulong Duterte, hindi kami nawawalan ng pag-asa, magtulungan lang po tayo. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong kapwa Pilipino,” Sabi niya.

Hinimok din ni Go ang national government at local government units na ipagpatuloy ang collaboration at pagiging magkatuwang sa pagsusulong at pagprotekta sa kapakanan ng kanilang constituents.

“Patuloy lang po tayong magbayanihan at magmalasakit sa isa’t isa. Unahin po natin ang interes, kapakanan at buhay ng bawat Pilipino lalo na ang mga mahihirap at pinaka-nangangailangan,” Sabi ni Go.

“Patuloy rin po akong magsisilbing tulay ninyo sa Pangulo. Gagawin ko po ang lahat sa abot ng aking makakaya para matulungan kayo at makapagserbisyo sa mga tao sa lugar ninyo. Sa pagkakaisa natin, maiaahon rin natin ang ating mga kababayan mula sa pagsubok na ito,” dagdag pa niya.

Sa kasagsagan nang pag-iral ng mahigpit na quarantine measures ay umapela si Go sa national government na magkaloob ng one-time financial assistance sa provincial, city at municipal local government units sa buong bansa para labanan ang pandemic.

Bilang tugon ay nagpalabas naman ang budget department ng kinakailangang ayuda para sa LGUs upang ibayo nilang marespondehan ang pangangailangan sa kanilang nasasakupan.

Read more...