Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang October 17, umakyat na sa 11,146 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 81 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,151 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Wala namang bagong gumaling kung kaya 7,184 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala ring bagong napaulat na nasawi.
Ito ang ikatlong sunod na araw na walang nasawing Filipino abroad bunsod ng nakakahawang sakit.
Dahil dito, nasa 811 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,364 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,214 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 811 naman ang kaso sa Americas at 1,757 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.