Bilang ng naka-recover sa COVID-19 sa Muntinlupa City, 4,300 na

Nasa 4,547 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Sabado ng hapon (October 17), sa nasabing bilang ay 99 ang aktibong kaso.

412 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 142 ang suspected cases.

Samantala, 4,300 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 148 pa rin ang nasawi.

Read more...