Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (October 17), umabot na sa 354,338 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 52,423 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,673 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.0 porsyento ang asymptomatic; 1.5 porsyento ang severe habang 2.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 73 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 6,603 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 539 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 295,312 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.