Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (October 16), umabot na sa 351,750 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 50,354 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,139 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.8 porsyento ang asymptomatic; 1.5 porsyento ang severe habang 3.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 34 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 6,531 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 786 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 294,865 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.