Bahagi ng QC makararanas ng water service interruption sa loob ng limang araw

Limang araw na makararanas ng water service interruption ang dalawang barangay sa Quezon City.

Sa abiso ng Maynilad, may isasagawang maintenance sa North C Annex Pumping Station La Mesa.

Dahil dito, simula sa October 18 (Linggo) hanggang sa October 22 (Huwebes) ay makararanas ng water service interruption ang Barangay Batasan Hills at Holy Spirit.

Ang oras ng service interruption ay mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.

Payo ng Maynilad sa mga customer na maaapektuhan, mag-ipon ng tubig sa mga oras na mayroong suplay ng tubig.

 

 

 

Read more...