Sipocot, Camarines Sur niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitide 3.2 na lindol ang lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naitala sa layong 19 kilometers northeast ng Sipocot, alas 12:31 ng hapon ngayong Biyernes, Oct. 16.

1 kilometer lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang Instrumental Intensity III sa Sipocot, Camarines Sur.

Hindi naman inaasahang magdudulot ito ng pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...