Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa buong mundo nadagdagan pa ng halos 6,000

Umabot na sa 1,102,941 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 222,717.

Umabot naman na sa mahigit 151,700 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 111,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 84,800.

Umabot naman na sa mahigit 29.1 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 8.5 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 222,717
Brazil – 152,513
India – 112,161
Mexico – 85,285
UK – 43,293
Italy – 36,372
Peru – 33,577
Spain – 33,553
France – 33,125
Iran – 29,605

 

 

Read more...