Pwede nang lumabas: IATF pinayagan nang lumabas ang mga edad 15 hanggang 65

Mas pinagaan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang ipinatutupad nitong limitasyon sa mga pinapayagang lumabas ng bahay.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga edad 15 hanggang 65 ay pinapayagan nang lumabas ng bahay ng IATF.

Ang mga lokal na pamahalaan ay binibigyang kapangyarihan para i-adjust ang age limit para sa mga menor de edad depende sa COVID-19 situation sa kanilang lugar.

Nag-update din ang IATF sa listahan ng mga kasama sa APOR o mga authorized persons outside residence.

Isinama sa listahan ang mga repatriated overseas Filipino workers at mga overseas Filipino na pauwi sa kani-kanilang pamilya.

 

 

Read more...