LOOK: Grupo ng mga magsasaka nagprotesta sa DA ngayong World Food Day

Sinabayan ng protesta ng grupo ng mga magsasaka ang paggunita ngayong araw ng World Food Day.

Nagsagawa ng protesta sa Department of Agriculture (DA) ang mga miyembro ng grupong AMIHAN para manawagan sa gobyerno bunsod ng anila ay nararanasang kagutuman ng mga magsasagawa at mangingisda sa bansa.

Nagbilad pa ng palay sa harapan ng DA ang mga magsasaka na simbolo ng kanilang protesta.

Sa mga dala-dala nilang bilao, nakasulat ang mga katagang “Presyo ng palay Itaas” at “Ibasura ang Rice Liberation Law”.

 

 

Read more...