President Quirino, Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 1 kilometer northeast ng bayan ng President Quirino, alas-8:56 umaga ng Biyernes (October 16).

May lalim na 27 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang instrumental intensity 1 sa Kiamba, Sarangani.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

 

 

Read more...