Suspek sa kasong murder arestado sa Marawi City

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group ang isang suspek sa kasong murder sa Marawi City.

Kinilala ang suspek na si Michael Estanol, na sangkot umano sa pagpatay sa isang Ernesto Rementizo taong 2018.

Ayon sa PNP, kasapi ang suspek ng “Ibrahim Langco Salic” kidnap-for-ransom group na nasa likod ng mga kidnapping activity sa Lanao at Marawi.

Ang warrant of arrest laban sa suspek ay inilabas ni Judge Giovanni Alfred Navarro ng Regional Trial Court Branch 27 ng 12th Judicial Region sa Gingoog City.

Maliban sa kasong murder at kidnapping si Estanol ay sangkot din sa gun-for-hire at robbery-extortion activities sa Gingoog City at iba pang munisipalidad.

 

 

Read more...