Magkakasunod na may kalakasang pagyanig naitala sa Iloilo

(UPDATE) Nakapagtala ng tatlong magkakasunod na may kalakasang pagyanig sa San Joaquin, Iloilo.

Ayon sa Phivolcs, alas 8:27 ng umaga naitala ang magnitude 4.5 na lindol sa layong 13 kilometers southeast ng San Joaquin.

11 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang sumusunod na Intensities:

Intensity IV – Miagao, Iloilo
Intensity III – Anini-y and Hamtic, Antique

Instrumental Intensity:
Intensity III – Anini-y, Antique
Intensity II – Bago City and Sipalay City, Negros Occidental; San Jose de Buenavista, Antique
Intensity I – Iloilo City; Valderrama, Antique

Makalipas lang ang ilang minuto, ganap na alas 8:32 ng umaga, naitala naman ang magnitude 4.4 na lindol sa bayan pa rin ng San Joaquin.

Ang pagyanig ay naitala sa layong 20 kilometers southwest ng San Joaquin.

1 kilometer lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:

Intensity II – Sipalay City and San Jose City
Intensity I – Bago City; Sebaste and Valderrama, Antique

Pawang hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang lindol.

Ang ikatlong pagyanig ay mayroon ding magnitude na 4.4 na naitala alas 8:41 ng umaga sa 22 kilometers southwest ng San Joaquin.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Bago City at Sipalay City, Negros Occidental; San Jose City at Valderrama, Antique.

Ilang beses nang nakapagtala ng pagyanig sa Iloilo sa nakalipas na magdamag.

Narito ang mga naitalang pagyanig:

Oct. 15, 10:48PM – Magnitude 4.1 (Miagao, Iloilo)
Oct. 15, 10:49PM – Magnitude 3.5 (Miagao, Iloilo)
Oct. 16, 1:11AM – Magnitude 3.0 (Miagao, Iloilo)
Oct. 16, 2:14AM – Magnitude 3.2 (San Joaquin, Iloilo)
Oct. 16, 8:27AM – Magnitude 4.5 (San Joaquin, Iloilo)
Oct. 16, 8:41AM – Magnitude 4.4 (San Joaquin, Iloilo)
Oct. 16, 8:59AM – Magnitude 3.4 (San Joaquin, Iloilo)
Oct. 16, 9:58AM – Magnitude 3.6 (San Joaquin, Iloilo)
Oct. 16, 9:19AM – Magnitude 3.2 (San Joaquin, Iloilo)

 

 

 

Read more...