Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Muling nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 187.63 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (October 16) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 185.96 meters.

Bahagya namang nabawasan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.01 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 101.09 meters habang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.13 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 79.35 meters.

Samantala, ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Caliraya dam.

 

 

 

 

 

 

Read more...