Dito sa Pilipinas, nagsimulang magkaproblema ang Twitter dakong alas 5:30 ng umaga ngayong Biyernes (Oct. 16).
Ang mga users ay hindi maka-tweet at wala ding lumalabas na bagong tweet sa feed.
Kapag sinusubukang mag-tweet o mag-retweet, lumalabas ang abiso na “Twitter is over capacity. Please wait a few moments then try again later,”
Naranasan din ito sa iba’t ibang lugar sa U.S. at Europe.
Sa report ng DownDetector.com, 45,000 na users ang nag-ulat ng problema sa Twitter.
Kabilang sa mga reklamo ay hindi sila maka-tweet, hindi ma-access ang kanilang timelines o hindi makita ang notifications.
Naranasan ang parehong problema sa desktop at mobile apps.