279 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

Umabot sa 279 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Miyerkules ng hapon (October 14), hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (October 15).

Pinakamaraming nahuling hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 168.

Sumunod dito ang mga lumabag sa curfew na umabot sa 99 kung saan 33 ang adult habang 66 ang menor de edad.

Pito naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, dalawa ang nahuling walang suot na damit pang-itaas habang dalawa sa iba pang ordinansa.

Read more...