Mga gumaling sa COVID-19 sa PNP, pumalo na sa 5,900

Aabot sa 71 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (October 15), 6,586 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 666 ang aktibo pang kaso.

50 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 5,900 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Walang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 20 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...