Bilang ng naka-recover sa COVID-19 sa Muntinlupa City, 4,257 na

Nasa 4,529 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (October 15), sa nasabing bilang ay 124 ang aktibong kaso.

439 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 146 ang suspected cases.

Samantala, 4,257 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 148 pa rin ang nasawi.

Read more...