Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa isang lalawigan sa Bicol region.
Sa inilabas na abiso bandang 5:00 Huwebes ng hapon (October 15), ito ay dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at Southwest Monsoon o Habagat.
Nakataas ang red warning level sa Albay.
Dahil dito, sinabi ng weather bureau na inaasahang makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.
Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.
Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan naman ang iiral sa Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Camarines Sur at Northern Samar.
Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.
MOST READ
LATEST STORIES