COVID-19 recoveries sa Quezon City 18,551 na

Umabot na sa 21,180 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos na inilabas ng QC LGU, ang nasabing bilang ay validated na ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Sa 21,180 na mga kaso, 2,036 na lang ang aktibong kaso; 18,551 ang gumaling na at 593 ang nasawi.

Ayon sa QC LGU, ang mga report na lalabas linggu-linggo at kada dalawang linggo ay magpapakita ng mas komprehensibong datos at kabuuang trend ng COVID-19 sa lungsod.

Hinihikayat ang lahat ng residente na basahin at unawain ang mga report na ito upang mas maintindihan ang paliwanag sa mga kaso.

 

Read more...