13th month pay ng mga empleyado tiyak na maibibigay ayon sa DOLE

Tiniya ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maibibigay ang 13th month pay ng mga empleyado ngayong taon.

Kasunod ito ng naunang pahayag ni Labor Sec. Silvestre Bello III na maaring ma-delay ang pagbibigay ng 13th month pay dahil maraming kumpanya ang naapektuhan ng pandemic ng COVID-19.

Nilinaw ni Bello na hindi ipag-uutos ng DOLE na ipagpaliban ang pababayad ng 13th month pay.

Hindi rin aniya magbibigay ng exemptions ang kagawaran dahil ang pagbabayad ng 13th month pay ay nakasaad sa batas.

Tiniyak naman ng kalihim na gagawa ng paraan ang gobyerno upang mabigyan ng subsidiya ang mga kumpanya na mahihirapang magbayad ng 13th month pay.

 

 

 

Read more...