Bagyong Ofel nananatili sa West PH Sea

Nasa bahagi pa rin ng ng West Philippine Sea ang tropical depression Ofel.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 275 kilometers west ng Tanauan City, Batangas.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na mga oras ay hihina ang bagyo at magiging isang Low Pressure Area na lamang.

Sa kabila nito, maghahatid pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang bagyo sa lalawigan ng Aurora.

Makararanas pa rin ng paminsang-minsang masungit na panahon ang Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan.

 

 

 

Read more...