Yellow heavy rainfall warning nakataas pa rin sa lalawigan ng Aurora

Nananatiling nakataas ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa lalawigan ng Aurora.

Bunsod ito ng nararanasang malakas na buhos ng ulan sa lalawigan dahil sa bagyong Ofel.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ngayong Huwebes, Oct. 15, yellow warning level ang umiiral sa Aurora.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar.

Pinapauhan ang puliko at ang Local Disaster Risk Reduction and Management Offices na gumawa ng karampatang hakbang at bantayan ang lagay ng panahon.

Samantala, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan naman Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda) at Isabela (Dinapigue, San Mariano at Palanan).

 

 

 

Read more...