Aniya dapat munang pag-aralan ng gobyerno kung magiging sapat ang kasalukuyang bilang ng mga pampublikong sasakyan na nagbalik-biyahe na sakaling dumami na ang mga tao na maaring lumabas na ng bahay.
Nangangamba si Poe na kung madami na ang tao sa mga lansangan at kulang ang mga pampublikong sasakyan, malaki ang posibilidad ng hawaan.
Aniya tiyak na mag-uunahan at magsisiksikan na ang mga pasahero sa mga sasakyan at terminal.
Kayat, ayon kay Poe, payagan ang iba pang pampasaherong jeep na makabiyahe ngunit kailangan pa rin matiyak na makakasunod ang mga ito sa safety and health protocols.