Tanggapan ng PAWS napasok ng magnanakaw; 2 purebred na pusa tinangay

Dalawang purebred na pusa ang tinangay ng mga magnanakaw sa tanggapan ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS.

Ayon sa PAWS, sa kanilang pag-review sa CCTV footages, nangyari ang pagpasok ng dalawang suspek sa pagitan ng alas 2:30 at alas 3:00 ng madaling araw noong Linggo, Oct. 11.

Sa loob lang ng 28 segundo ay nasira ng mga magnanakaw ang padlock ng cattery at tinagay ang dalawang pusa.

Ang nakuhang pusa ay isang grey British Shorthair at isang light brown Scottish Fold.

Kapwa sila na-rescue noon lamang Sabado (Oct. 10) kasama ang 24 na iba pang hayop na pawang na-trap sa isang warehouse.

Inabandona sila sa warehouse matapos mabigo ang importer na makasunod sa rules ng Bureau of Animal Industry.

Nanawagan ang PAWS sa sinumang makakita sa dalawang pusa na agad itong ipagbigay-alam sa kanila.

 

 

 

 

 

Read more...