10 barangay sa Pagadian City isinailalim sa lockdown

Sampung barangay sa Pagadian City ang nakasailalim sa lockdown matapos ang pagtatala ng mataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Samuel Co, nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng sakit sa mga barangay San Francisco, Tuburan, San Jose, Tiguma, Santiago, San Pedro, Kawit, Lenienza, Bogo at Kagawasan.

Ayon kay Dr. Noel Ceniza, tagapagsalita ng local COVID-19 task force, itinuturing na community transmission ang mga kaso.

Magtatapos ang pag-iral ng lockdown sa mga barangay sa Oct. 27.

 

 

 

 

 

Read more...