Hall of Justice sa Laoang, Northern Samar isinailalim sa lockdown

Sarado sa publiko hanggang sa October 26, ang buong Hall of Justice sa bayan ng Laoang sa lalawigan ng Northern Samar.

Dahil dito, inabisuhan ang mga empleyado ng korte ng Laoang RTC Branches 21 at 22 at maging ang Office of Clerk of Court na sarado muna ang mga tanggapan hanggang sa nabanggit na petsa.

Ang mga korte ay pwedeng ma-access sa pamamagitan ng e-mail, hotline numbers o Facebook account.

Samantala, isinailalim din sa physical closure ang RTC Branch 38 sa bayan naman ng Gamay sa Northern Samar.

Tatagal ang pagsasara hanggang sa October 22, 2020.

 

 

Read more...