Yellow heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA Aurora at Isabela

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa ilang bahagi ng lalawigan ng Aurora.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Huwebes, Oct. 15, yellow warning level na ang umiiral sa mga bayan ng Baler, Maria Aurora, San Luis Dilasag at Dipaculao sa Aurora at sa San Mariano sa Isabela.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar.

Pinapayuhan ang puliko at ang Local Disaster Risk Reduction and Management Offices na gumawa ng karampatang hakbang at bantayan ang lagay ng panahon.

Samantala, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan naman sa Casiguran, Aurora; Alfonso at Castañeda sa Nueva Vizcaya; Dinapigue, San Guillermo, Echague, Jones at San Agustin sa Isabela.

 

 

 

 

Read more...