Mahigit 254,000 nang mga overseas Filipinos ang nakauwi na sa bansa at nakapiling na rin ang kanilang mga pamilya.
Ayon ito kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 chair Secretary Delfin Lorenzana.
Ani Lorenzana, sa tulong ng pamahalaan ang mga umuwing OFs ay naasistihan para makauwi sa kani-kanilang mga lalawigan.
Mayroon namang mga Pinoy pa sa Sabah na hindi pa naisasailalim sa repatriation.
Sinabi ni Lorenzana na nagpatupad kasi ng moratorium ang Zamboanga, Jolo at Tawi-Tawi sa pagtanggap ng mga uuwing OFs dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Mahigit 3,000 pang Pinoy sa Sabah ang naghihintay ng repatriation ayon kay Lorenzana.
MOST READ
LATEST STORIES