Dahil dito, binawi na ng PAGASA ang umiiral na Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga Metro Manila at mga lalawigan sa Luzon.
Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 170 kilometers west northwest ng Calapan City, Oriental Mindoro o sa layong 150 kilometers west ng Tanauan City, Batangas.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Ayon sa PAGASA, sa susunod na mga oras ay hihina ang bagyo at magiging isang Low Pressure Area na lamang.
Sa kabila nito, maghahatid pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang bagyo sa lalawigan ng Aurora.
Makararanas pa rin ng paminsang-minsang masungit na panahon ang Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan.