Mahigit 34,000 na contact tracers nai-deploy na sa iba’t ibang bahagi ng bansa – DILG

Mayroon nang mahigit 34,000 contact tracers ang nagtatrabaho na sa ngayon.

Ang nasabing bilang ay pawang naka-deploy na sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon ito sa update mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año, na umabot sa mahigit 64,000 na ang natanggap nilang aplikasyon.

Sa nasabing bilang, 41,068 ang nag-qualify at 34,057 sa kanila ang nagsimula nang magtrabaho.

Sinabi ni Año na target ng DILG na makumpleto ang bilang ng mga contact tracers sa buong bansa ngayong buwan ng Oktubre.

Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act, o Bayanihan 2, naglaan ng P5 billion na pondo para ipangsweldo sa mga iha-hire na contact tracers.

 

 

 

Read more...