Magkapatid nasawi matapos makuryente sa Dimiao, Bohol

Nasawi ang magkapatid sa bayan ng Dimiao sa lalawigan ng Bohol makaraang makuryente habang nag-aayos ng linya para sa kanilang internet device.

Ikinakabit ng magkabatid na Christian Val, 20 anyos at Tristian Dexter, 26 ang internet device sa kanilang bahay.

Ito ay para mas mapabilis ang internet connection at makatulong sa online class ni Christian.

Ayon kay P/Staff Sgt. Anselmo Nayve ng Dimiao Police, nakuryente ang dalawa habang kinakabit ang linya.

Nahulog kasi ang ginamit nilang GI Pipe bilang antena sa poste ng kuryente.

Naisugod pa sa ospital ang dalawa pero idineklarang dead on arrival.

 

 

Read more...