Kaso ng COVID-19 sa India mahigit 7.3 million na

Umabot na sa mahigit 7.3 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 67,900 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 7,305,070 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 6.3 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 814,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 600 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 111,311 na.

 

 

 

Read more...