Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Muling nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 185.96 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (October 15) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 183.92 meters.

Bahagya ding nadagdagan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.09 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 101.06 meters habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.35 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 79.47 meters.

Samantala, ang water level ng iba pang dams sa Luzon ay nadagdagan din.

 

 

Read more...