Buhawi nanalasa sa bayan ng Lupon, Davao Oriental

Nawasak ang bubong ng mga bahay sa ilang lugar sa bayan ng Lupon sa Davao Oriental.

Ito ay makaraang may manalasang buhawi kahapon.

Sa mga larawang ibinahagi sa Facebook page ng LGU Lupon, wasak ang mga bubungan ng bahay at mga pananim ding nasira.

Ayon sa ilang residente, nakita nilang nagliliparan ang mga puno.

Nangyari ang pananalasa ng buhawi habang inuulan ang Davao Oriental kahapon.

Sa datos ng lokal na pamahalaan wala pa namang napaulat na nasaktan bunsod ng insidente.

 

 

 

Read more...